Pamimigay ng ayuda sa Bacoor umarangkada na

Sinimulan na ng lungsod ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga residente ng Bacoor.

BACOOR CITY­­­, Cavite – Nagsimula na ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa lungsod ng Bacoor noong Biyernes para sa mga apektadong pamilya bunsod ng pagsasailalim ng Cavite at iba pang karatig lugar sa enhanced community quarantine (ECQ).

Makikitang nakatanggap na ng halagang P3,000 ang isang residente mula sa lungsod ng Bacoor.

Sa isang Facebook post ng City Government of Bacoor, ipinakita nito sa publiko na namahagi ang pamahalaang lungsod ng pera sa mga residente ng iba’t ibang barangay sa Bacoor.

Kabilang sa mga barangay na nakatanggap ng ayuda ay ang Aniban, Camposanto, Daan Bukid, Kaingen, Mabolo, Maliksi, Panapaan, Queens Row Central, Tabing Dagat, at Talaba.

Bumisita rin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Barangay Maliksi upang obserbahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente ng naturang barangay.

Bukod pa rito, nauna namang nagsagawa ang City Social Welfare and Development kasama ang mga kawani ng mga barangay ng pagsusuri sa mga higit na naapektuhan ng ECQ at sa mga pamilya ng mga nag-positibo sa COVID-19.

Sinuri ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang mga mamamayang makakatanggap ng tulong pinansyal sa Bacoor.

Samantala, pinaalalahanan naman ng naturang lungsod na sumunod sa health at safety protocols sa ilalim ng ECQ ang mga mamamayan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.