Pastor Apollo Quiboloy bigong maaresto ng mga operatiba

Bigong mahuli ng mga operatiba si Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City matapos sinubukang ihain ang warrant of arrest laban sa kanya ngayong araw, Abril 3.

Bukod kay Quiboloy, kasama sa mga pinapaaresto ang mga kasamahan ng pastor na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes.

Photo via Sen. Riza Hontiveros/Meta

“Bilang na ang masasayang araw ni Apollo Quiboloy. Halos lahat na ng institusyon sa Pilipinas ay gumagalaw para mapanagot siya,” pahayag ni Sen. Risa Hontiveros. 

Matatandaang nauna nang naglabas ng arrest order ang Senado laban kay Quiboloy upang pormal na tumistigo sa mga pagdinig nito ngunit hindi kailanman nagpakita sa mga hearing ang pastor.

“Pinapanawagan ko rin kay Quiboloy na huwag nang mag-inarte. Ang dami na niyang ginawa para takbuhan ang obligasyon niya sa batas. He should just cooperate and properly answer the accusations hurled against him. Kung walangkasalanan, hindi kailangang magtago,” dagdag pa ng Senador. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.