Price freeze, idineklara ng DTI sa mga lugar nasa State of Calamity

Nagtakda ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lugar na idineklarang nasa State of Calamity dahil sa pinsalang idinulot ng Super typhoon Carina at ng southwest monsoon.

Nagtakda ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lugar na idineklarang nasa State of Calamity dahil sa pinsalang idinulot ng Super typhoon Carina at ng southwest monsoon.

Photo via DTI Philippines

Kabilang dito ang Metro Manila; Batangas; Cainta Rizal; Cavite; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Bataan; at Bulacan.

“Mahigpit na binabantayan ng DTI ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin (basic necessities) na naka ‘price freeze’ bunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas (as of July 24, 2024),” pahayag ng DTI.

Ayon pa sa ahensya, maaaring patawan ng multa at pagpapataw ng kasong kriminal sa mga tindahang lalabag sa naturang ordinansa, alinsunod sa Price Act.

“Binabalaan din ang mga negosyo, kabilang ang mga hotel at transient homes, laban sa ‘price gouging’ o hindi makatwirang pagtataas ng presyo. Nakamatyag ang DTI at mga lokal na pamahalaan sa inyong pamamalakad at pagtrato sa mga konsyumer,” saad ng DTI.

“Hinihikayat ang publiko na iulat ang anumang insidente ng overpricing at mga katulad na paglabag sa DTI Consumer Care Hotline 1-384 o sa email address consumercare@dti.gov.ph,” dagdag pa ng ahensya.

Narito ang listahan ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon sa DTI: https://bit.ly/NCRPriceBulletin

Total
0
Shares
Related Posts