Shabu lab natuklasan matapos ang pagsabog sa Tanza, Cavite

Natuklasan ng mga awtoridad ang isang hinihinalang shabu laboratory sa Barangay Sahud Ulan matapos ang isang malakas na pagsabog noong Miyerkules ng madaling araw, Enero 30.

Natuklasan ng mga awtoridad ang isang hinihinalang shabu laboratory sa Barangay Sahud Ulan matapos ang isang malakas na pagsabog noong Miyerkules ng madaling araw, Enero 30.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon, tinatayang nasa 10 hanggang 20 kilo ng ilegal na droga ang maaaring iprodyus kada batch batay sa mga nakumpiskang kemikal at kagamitan. Kasama rin sa mga nasamsam ang drug paraphernalia, gas masks, at hinihinalang shabu.

Lumabas sa imbestigasyon na ang bahay ay inuupahan mula Nobyembre 2024 ng isang Pilipina na may asawang Hapones na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang pagtakas ng anim na indibidwal matapos ang insidente. Kabilang sa kanila ang isang Chinese national na dating naaresto, dalawang Indonesian, at isang Pilipina. Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA at Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang kanilang mga pagkakakilanlan at papel sa operasyon.

Nagpaalala naman ang PNP sa publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa kanilang komunidad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Photo 1- Police Files Tonite

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.