Special election sa Cavite planong gawin sa Pebrero 2023

Nakatakdang isagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang special automated election sa 7th District ng Cavite sa darating na Pebrero 25, 2023 upang punan ang naiwang posisyon ni Justice Secretary Boying Remulla.

Nakatakdang isagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang special automated election sa 7th District ng Cavite sa darating na Pebrero 25, 2023 upang punan ang naiwang posisyon ni Justice Secretary Boying Remulla.

Sa inilabas na resolusyon, sinabi ng Comelec na maaari nang magpasa ng certificate of candidacy (COC) ang mga nagbabalak tumakbo sa nasabing distrito simula Disyembre 5 hanggang 6, 2022.

Magsisimula naman ang campaign period sa Enero 26 hanggang Pebrero 23.

OTHER STORY: Boying Remulla’s son facing illegal drug raps

OTHER STORY: DOJ chief Remulla shuns calls to resign amid son’s drug raps

Ayon din sa Comelec, kung isa lamang ang maghahain ng COC at walang magaganap na labanan para sa naturang halalan, hihirangin agad itong panalo ng komisyon bilang bagong kinatawan.

Sa kasalukuyan, si House Speaker Martin Romualdez ang itinalaga ng mababang Kapulungan bilang caretaker ng ika-pitong distrito matapos tanggapin ni Remulla ang alok na katungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging kalihim ng DOJ.

RELATED STORY: Remulla accepts offer to be the next DOJ secretary

Photo by Element5 Digital on Unsplash

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Crpyto King naaresto sa Noveleta Cavite

Naaresto sa Noveleta, Cavite ang isang 23-anyos na lalaki na tinaguriang "Crypto King" dahil sa pagkakasangkot sa isang multi-million-peso cryptocurrency scam. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), ang suspek ay dati nang naaresto noong 2023 dahil sa kasong estafa ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.