Sunog sumiklab sa garment, bike warehouse sa Kawit

Halos wala nang natira sa warehouse ng mga damit at bisekleta sa Potol Kawit, Cavite matapos itong lamunin ng apoy noong Nobyembre 4 ng gabi.

Halos wala nang natira sa warehouse ng mga damit at bisekleta sa Potol Kawit, Cavite matapos itong lamunin ng apoy noong Nobyembre 4 ng gabi.

Photo courtesy by Mayor Angelo Aguinaldo

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection – Kawit, bandang alas-10:30 ng gabi umano sumiklab ang sunog at umabot sa ikalawang alarma ang apoy.

Naging pahirapan umano ang pag-apula dahil mabilis itong kumalat dahil sa mga damit at telang nakaimbak rito.

Umabot sa pitong oras bago nakontrol ang naturang sunog dahil na rin sa mga gulong na nasa loob ng warehouse.

Nasa 51 firetrucks naman ang dumating upang apulahin ito.

Nasa 51 firetrucks ang dumating upang apulahin ang sunog sa isang gusali sa Potol Kawit, Cavite kagabi. Umabot umano sa…

Posted by The Cavite Rising on Thursday, November 3, 2022

Patuloy pa ring nagsasagawa ang BFP ng mapping operations upang alamin kung magkano ang kabuuang pinsala maging ang sanhi nito.

Wala namang nasawi o nasaktan sa naturang insidente.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.