Si Tatay Cardong Trumpo mula Dasmariñas, Cavite ang kinoronahang Grand Winner sa Pilipinas Got Talent Season 7. Ang 55-anyos na construction worker ay nagpakitang-gilas sa kanyang kakaibang tricks gamit ang trumpo, at nakakuha ng kahanga-hangang 99.5% na boto mula sa mga hurado at audience, dahilan upang maiuwi ang ₱2 milyon na premyo.
“Ang pangarap ko lang po, yung isang kilong bigas magkasya sa tatlong beses sa isang araw, pero ngayon sobra-sobra po yung binigay niyo sa akin,” emosyonal na pahayag ni Tatay Cardo matapos ang kanyang pagkapanalo.
Nakakuha siya ng standing ovation mula sa mga hurado at audience matapos niyang ipamalas ang kanyang kahanga-hangang trumpo tricks with a twist. Tinutukan ng publiko ang kanyang kampanya simula pa lamang ng audition, na umani ng higit 22 milyong views.Sa semifinals, siya rin ang nakakuha ng pinakamataas na boto na nagdala sa kanya sa final showdown. Samantala, nakuha ng grupong Femme MNL ang ikalawang pwesto na may 50.4% na boto, at sinundan naman ni Carl Quion sa ikatlong pwesto na may 47.8% na boto.



