Tigil pasada ng grupong PISTON, kasado ngayong araw hanggang May 1

Kasalukuyang nagsasagawa ng malawakang tigil pasada ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) upang tutulan ang nalalapit nang pagtatapos ng April 30 franchise consolidation deadline.

Canva photo

Ayon sa grupo, walang narating ang dayalogo at panawagan sa ahensiya na i-rehabilitate ang kanilang mga jeepeney. Maraming operator at drayber ang tutol sa panukalang ito sapagkat aabutin ng mahigit P2.8 milyon ang isang unit ng modern jeepney.

Tinatayang makikisa ang mahigit 100,000 indibiwal sa nasabing protesta sa Metro Manila ayon sa pahayag ni Piston Deputy Secretary Ruben Baylon.

Inihayag ng grupo na mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators dahil sa napipintong consolidation deadline na ipinapatupad ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaya’t mariin nilang ipaglalaban ang kanilang mga hinaing.

Matatandaang nagbabala ang LTFRB patungkol sa mga jeepeny drivers na posbileng suspendihin ang prangkisa ng mga lalahok sa nasabing kilos protesta.

Total
0
Shares
Related Posts