Unemployment rate sa bansa noong Hunyo nasa 7.7 porsyento

Press Conference on the June 2021 Labor Force Survey (Preliminary) Results

LIVE: Press Conference on the June 2021 Labor Force Survey (Preliminary) Results | via Zoom

Posted by Philippine Statistics Authority on Monday, August 2, 2021

Nanatili sa 7.7 porsyento ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa datos na inilabas nito noong Agosto 3.

Bagamat katumbas lamang ito ng naitalang porsyento noong buwan ng Mayo, sinabi ng PSA sa kanilang briefing para sa labor force survey na bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa buwan ng Hunyo na may tinatayang 3.76 milyon kumpara sa 3.73 milyon noong Mayo.

Dagdag pa rito, mas mataas din ito sa buwan ng Marso na may 7.1 porsyentong unemployment rate habang mababa naman ito kumpara sa mga buwan ng Abril at Enero na may 8.7 porsyento at Pebrero na may 8.8 porsyento.

Samantala, sinabi rin ng PSA na hindi rin nagbago ang employment rate ng 92.3 porsyento noong Mayo. 

“This means that 45.08 million were employed out of 48.84 million Filipinos in the labor force in June 2021,” ayon sa PSA.

Nagsimulang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho nang ipinatupad ng gobyerno ang mga lockdown dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Photo by Etienne Girardet on Unsplash

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CVSU-Cavite City isinusulong ni Cong. Jolo Revilla na maging regular campus

Isinusulong ni Cavite Rep. Jolo Revilla ang House Bill No. 1328 na gawing regular campus ang CvSU-Cavite City. Iginiit niya na ang pagbabago ay magbibigay-daan para sa mas malaking pondo at mapabuti ang pasilidad at akademikong programa ng unibersidad para sa mahigit 3,000 mag-aaral. Binigyang-diin ni Revilla na ang de-kalidad na edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino.