Walk-in sa mga COVID-19 vaccination site pinayagan sa Cavite

Tinatanggap na ang mga walk-in na magpapabakuna kontra COVID-19 sa ilang munisipalidad at lungsod sa Cavite habang nagsagawa naman ng pilot testing ang ilan upang matiyak kung ito ay epektibo.

Pinayagan ang mga walk-in sa mga COVID-19 vaccination sa ilang munisipalidad at lungsod sa Cavite.

Photo courtesy of Municipality of Indang Facebook Page

Sa bayan ng Indang, tinatanggap na ang mga walk-in na magpapabakuna para sa 18 taong gulang pataas lamang at kinakailangan magdala ng valid ID.

Sa lungsod ng Imus, tinanggap din ang mga nagpabakuna noong Huwebes, Oktubre 21, hanggang  Biyernes, Oktubre 22, sa lahat ng fixed vaccination center at drive-thru site para sa mga tatanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Photo courtesy of Emmanuel Maliksi Facebook Page

Pinaalalahanan naman ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi na “first come, first serve” ang kanilang polisiya ukol dito.

Sa bayan ng Kawit, pinayagan rin ang walk-in basta mayroong dalang valid ID para sa mga nagpabakuna noong Oktubre 22 lamang.

Photo courtesy of Angelo G. Aguinaldo Facebook Page

Ito’y para sa pilot testing ng kanilang Rural Health Unit upang matukoy kung kakayanin na magiging epektibo ito.

Habang sa lungsod ng Tagaytay, binabakunahan na kahit ang mga residente sa mga karatig lugar o bayan basta mula sa lalawigan ng Cavite.

Thumbnail photo by Nataliya Vaitkevich from Pexels

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

One month income tax holiday isinusulong ni Sen. Tulfo sa gitna ng isyu sa flood control projects

Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o ang “One-Month Tax Holiday of 2025,” na magbibigay ng isang buwang income tax exemption sa mga manggagawa, bilang tugon sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Layunin nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno. Hindi kasama sa exemption ang mandatoryong kontribusyon, at ipinatupad ang non-diminution clause para matiyak na hindi mababawasan ang sahod ng mga empleyado.