2 lalaki patay, isa sugatan sa pamamaril dahil sa Love Triangle sa Naic

Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin sa Brgy. Palangue, Naic, Cavite. Ang tinitingnang motibo sa krimen: love triangle.

Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin sa Brgy. Palangue, Naic,  Cavite. Ang tinitingnang motibo sa krimen: love triangle.

Kinilala ang mga biktima na sina Rico Mariscotes, 23, at Lennox Nuguid, 24. Samantala, nasa ospital pa rin ang isa nilang kasama na si John Andy Bendijo, 24.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman umano ng suspek na si Alyas Laloy na may relasyon ang kaniyang asawa kay Bendijo.

Nagyaya umano siya ng inuman kasama ang kaniyang mga kaibigan, kung saan napagdesisyunan nilang komprontahin si Bendijo, na nauwi sa pamamaril at pagkamatay ng dalawang biktima.

Agad namang umalis ang mga suspek pagkatapos ng krimen. Idineklara na dead on arrival ang mga biktima samantalang nagpapagaling pa rin si Bendijo.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng follow up operation ng pulisya ukol sa ng insidente.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Voter’s registration muling bubuksan ng COMELEC sa Agosto 1-10

Muling bubuksan ng COMELEC ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10, kasama ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, pagwawasto, at updating ng records ng iba't ibang sektor. Magbubukas ang mga tanggapan mula 8 AM hanggang 5 PM, Lunes hanggang Linggo, at isasagawa rin ang Register Anywhere Program sa NCR, Region III, at Region IV-A. Inaasahan ng COMELEC na mahigit isang milyong bagong botante ang magpaparehistro.