2 Subdivision sa Bacoor isinailalim sa granular lockdown

Isinailalim ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang tatlong araw na granular lockdown sa dalawang subdivision sa nasabing lungsod matapos maitala ang tig-isang kaso nito ng pinangangambahang COVID-19 Delta variant. 

PUBLIC ADVISORY: Executive Order No. 25 for the granular lockdown of BF El Grande Subdivision in Barangay Molino VI and ADDAS 2-C in Barangay Molino II for Covid-19 surveillance and immediate isolation

Posted by City Government of Bacoor on Friday, July 23, 2021

Inabisuhan ang mga residente ng BF El Grande Subdivision sa Barangay Molino VI at Addas 2C sa Barangay Molino II na manatili sa tahanan, simula 12 a.m. ng Hulyo 24 hanggang 11:59 p.m. ng Hulyo 26.

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, “Aabot sa 250 families sa Addas 2C habang aabot naman sa may 900 families sa El Grande na kinakailangan na manatili sa kanilang mga tahanan habang inilulunsad po ‘yung contact tracing para ma-locate ang second to third degree generation of contacts nitong dalawang Delta variant patients.”

Sinabi rin ng alkalde na pinagbabawalan din ang pagbisita kahit pa ang mga kamag-anak ng mga nakatira sa mga nasabing lugar.

COVID19 DELTA VARIANT DETECTED IN BACOOR CITY | July 24, 2021 Maganda gabi mga minamahal kong Bacooreño! Nitong mga nakaraang araw ay iniulat ng National IATF na mayroong bagong variant ng Covid19 sa ating bansa at kamakailan nga ay naiulat din na may 2 Delta Variant patients na din sa lalawigan ng Cavite. Ngayong gabi ay pinagbigay alam sa atin ng Department of Health na mayroong nagpositibo sa Delta Variant Covid19 sa ating lungsod. Agad na nagpulong ang Task Force on Covid19 at napagdesisyunan na ilagay sa LOCKDOWN ang ADDAS 2C SUBDIVISION sa MOLINO 2 at EL GRANDE SUBDIVISION sa MOLINO 6 simula ngayong 12 midnight, JULY 24 hanggang JULY 26. Aabot sa may 250 pamilya sa Addas 2C habang aabot naman sa may 900 pamilya ang sa El Grande na kinakailangang manatili sa kanilang mga tahanan habang inilulunsad ang contact tracing para ma-locate ang 2nd to 3rd degree/generation of contact. Bukas ay maghahatid tayo ng relief goods sa nasabing lugar. Magkakaroon din ng disinfection sa buong area para mabawasan ang pagkalat ng anumang virus. Para sa mga kababayan natin na naninirahan sa ADDAS 2C sa Molino 2 at EL GRANDE sa Molino 6 wala po munang lalabas ng inyong mga tahanan. Bawal din po ang mga bisita kahit na mga kamag-anak. Sa mga may schedule ng bakuna bukas, ipagpaliban niyo na muna ang pagpapabakuna. Magkakaroon tayo ng mass swab testing sa inyong lugar upang matukoy agad natin ang sinumang maaaring nagpositibo sa Covid19. Muli, inuulit ko, wala po munang lalabas ng bahay. Mapanganib ang Delta Variant ng Covid19 na ito. Agad na sumangguni sa inyong HOA health emergency response team, Brgy health emergency response team kung kayo ay may sintomas na nararamdaman na may kaugnayan sa Covid19. Atin pong tututukan ang kaso na ito para hindi na ito kumalat sa iba pang lugar. Manatili sa ating mga tahanan. Tayo ay magdasal at ibayong pag-iingat ang kailangan! ###

Posted by Lani M. Revilla on Friday, July 23, 2021

“The immediate total lockdown of the residential origin of the two Delta (B.1.617.2) variant cases is mainly for purposes immediate containment and response in consideration of the fact that delta variant is highly transmissible,” base sa inilabas na Executive Order No. 25 ng lungsod ng Bacoor.

Dagdag pa rito, magkakaroon ng mass swab testing sa mga naturang lugar upang agarang matukoy ang mga maaaring magpositibo sa COVID-19 pagkatapos ng pagsasagawa ng contact tracing.

“Mapanganib po ang Delta variant na ito, agad na sumangguni sa inyong [Homeowner’s Association] HOA Health Emergency Respose Team, sa inyong Barangay Health Emergency Respose Team kung kayo po ay may nararamdamang sintomas na may kaugnayan po sa COVID-19. Atin pong tutukan ang kasong ito para hindi ito kumalat sa iba pang mga lugar,” ani Revilla.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

PAGASA announces onset of El Niño

The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) officially announced on Tuesday the onset of El Niño due to the warmer temperatures in the Tropical Pacific.