Mayor Aguinaldo, pinabulaanan ang Allegasyon ng Anomalya; Kawit, Nakapagtala ng Zero Disallowance mula COA

Pinabulaanan ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang mga alegasyon ng anomalya laban sa kanya, na aniya’y gawa-gawa lamang ng “Cavite News” upang siraan siya ngayong papalapit na ang eleksyon. Iginiit ng alkalde na patunay ang zero Notice of Disallowance mula sa COA na malinis at maayos ang kanyang pamamahala sa pondo ng bayan. Hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri sa mga ibinabalita at muling tiniyak ang kanyang dedikasyon sa tapat na paglilingkod.

Mariing pinabulaanan ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Aguinaldo ang mga impormasyong umano’y ipinapakalat ng “Cavite News” na aniya’y may layuning siraan ang kanyang pangalan at pamumuno.

Sa isang pahayag na ibinahagi sa kanyang Facebook page, nilinaw ng alkalde na hindi nakatanggap ang pamahalaang bayan ng Kawit ng anumang Notice of Disallowance mula sa Commission on Audit (COA), na nagpapatunay na maayos at naaayon sa batas ang paggasta ng pondo ng bayan.

“Alam ko pong may mga mapansamantala at hindi makatao na gagawin ang lahat para sirain tayo lalo na ngayong papalapit na ang halalan. Obvious naman po no, kung sino ang nasa likod niyan lalo na sa panahong ito? Pero sana po, huwag tayong basta maniwala sa mga pekeng balita. Magtanong, magsuri, maging kritikal, at alamin ang totoo,” saad ng alkalde sa kanyang post.

Ito ay tugon sa mga alegasyon ng anomalya na ibinabato laban sa kanya, na sinasabing nagmula sa nasabing online news source.

“Ang tanging hangarin lang po natin ay paglingkuran ang bayan nang may buong Puso at Malasakit. Sa tulong ninyo, magpapatuloy tayo sa paggawa ng tama para sa Kawit,” dagdag pa ni Mayor Aguinaldo.

Ang zero disallowance mula sa COA ay nangangahulugang wala ni isang sentimo sa mga ginastos ng isang ahensya ang itinuring na iregular, hindi kumpleto ang dokumento, o labag sa batas. Sa madaling salita, lahat ng transaksyon at paggastos ng pera ng lokal na pamahalaan (LGU) ay pumasa sa mga pamantayan sa audit ng COA.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…