4 na magkakapatid pinatay ng amain sa kanilang bahay sa Cavite

Wala ng buhay ang apat na magkakapatid sa Cavite matapos patayin ng live-in partner ng isang ina na OFW sa Saudi Arabia.

Patay ang apat na magkakapatid na pawang menor de edad matapos patayin sa saksak ng kanilang amain sa Trece Martires City, Cavite nitong Marso 9.

Ang magkakapatid ay residente ng Brgy. Cabuco. Sila ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpakamatay din sa pamamagitan ng pagsaksak ang amain ng mga biktima na kinilala na si Felimon Escalona na isang tricycle driver.

Humihinga pa si Escalona nang rumispunde ang pulisya at nadala pa ito sa malapit na ospital ngunit namatay din kalaunan.

Selos at problema sa pera ang nakikitang motibo sa karumal-dumal na krimen matapos magkaroon ng ‘di umano’y pagtatalo ang suspek at ang ina ng mga bata na si Virginia Dela Peña na isang OFW sa Saudi Arabia.

Sa eksklusibong panayam naman ng TV Patrol [https://news.abs-cbn.com/video/news/03/13/23/tunay-na-ama-ng-batang-napaslang-sa-cavite-dumating-sa-burol] sa employer ni Dela Peña, nagpahayag ang Saudi national na amo ng OFW ng pagsuporta sa kanya at nagsabing handa nilang pag-aralin at kupkupin ang kanyang natitirang anak.

Sa kabilang banda, tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration na patuloy ang kanilang pagtulong sa pamilya ng biktima at magkakaloob ang ahensya ng patuloy na tulong pinansyal.

Dumating na kahapon (March 11) sa bansa si OFW Virginia mula Saudi Arabia, ina ng apat (4) na batang pinaslang ng…

Posted by OWWA Overseas Workers Welfare Administration on Saturday, March 11, 2023

Nag-alok din ng tulong ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development at Department of Mirgrant Workers para sa ina ng mga bata.

The DSWD reached out to the family of the four minors who were victims of a massacre in Trece Martires City, Cavite….

Posted by DSWD Region IV-A on Saturday, March 11, 2023

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang suporta ng kagawaran para kay overseas Filipino worker (OFW)…

Posted by Department of Migrant Workers on Monday, March 13, 2023
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Crpyto King naaresto sa Noveleta Cavite

Naaresto sa Noveleta, Cavite ang isang 23-anyos na lalaki na tinaguriang "Crypto King" dahil sa pagkakasangkot sa isang multi-million-peso cryptocurrency scam. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), ang suspek ay dati nang naaresto noong 2023 dahil sa kasong estafa ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.
Read More

Lapu-Lapu Festival ng mga Pinoy sa Canada nauwi sa aksidente

Isang trahedya ang naganap sa Vancouver, Canada kung saan inararo ng sasakyan ang mga dumalo sa Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi at ikinasugat ng ilan. Nagpahayag ng kalungkutan si Mayor Ken Sim at nanawagan ng mas mahigpit na seguridad. Nagpaabot din ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Mark Carney. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.