82-anyos na lola mula GMA, ‘oldest skydiver’ sa Siquijor drop zone

Pinatunayan ng 82-anyos na si Iluminada Fabroa mula sa Cavite na hindi hadlang ang kaniyang edad sa bagong karanasan matapos niyang mag-skydiving sa Siquijor kasama ang kaniyang apo.

Pinatunayan ng 82-anyos na si Iluminada Fabroa mula sa Cavite na hindi hadlang ang kaniyang edad sa bagong karanasan matapos niyang mag-skydiving sa Siquijor kasama ang kaniyang apo.

Photo courtesy of Skydive Siquijor

Ayon kay Lola Iluminada, hindi niya umano nasubukan ang maraming bagay noong kabataan niya kaya naman walang makapipigil sa kaniyang i-check isa-isa ang bucket list sa buhay.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Siquijor, si Fabroa umano ang pinakamatandang nagsky-dive sa lalawigan.

Siya rin umano ang naitalang pinakamatandang babaeng nakarating sa tuktok ng Mt. Apo noong Disyembre 2022.

Photo courtesy of Iluminada Fabroa/FB

Samantala, ipinarating naman ni GMA Mayor Maricel Torres ang kaniyang pagbati kay Fabroa.

HATAW! 🪂💪 Congrats, Atty. Iluminada "Atty. Nanay" Fabroa sa tagumpay na ito! Oldest SKYDIVER in Siquijor at the age of…

Posted by Mayor Maricel Echevarria Torres on Saturday, April 29, 2023

Si Fabroa ay isang retired Director sa Commission on Audit at isa ring CPA Lawyer. Kasalukuyan siyang Chairman of the Board ng GMA Water District sa General Mariano Alvarez.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Top spots to visit in South Cavite during ‘Ber’ months

Christmas is just around the corner and due to the length of time a lot of people were locked inside their houses due to the pandemic, people are less likely to miss the holidays visiting places this year. In line with this, here are some places in South Cavite where you can treat yourself and spend time with your loved ones.