63-anyos na lolo nalunod sa Naic, Cavite

Nalunod ang isang 63-anyos na lolo sa Naic, Cavite nitong ika-9 ng Abril sa mismong pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang apo

Nalunod ang isang 63-anyos na lolo sa Naic, Cavite nitong ika-9 ng Abril sa mismong pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang apo.

Ang biktima ay kinilalang si Marticio Valdez, isang senior citizen sa bayan ng Naic na sumama sa plano ng buong pamilya na magdiwang ng kaarawan ng kanyang apo sa isang resort sa Brgy. Sahud Ulan.

Ayon sa ulat ng Region 4A police, si Valdez ay nagpasyang lumangoy sa dagat matapos nitong uminom, ngunit nagtaka ang kanyang pamilya nang hindi pa ito bumabalik.

Natagpuang  walang malay sa dalampasigan ang biktima na ikinabigla ng kanyang pamilya.

Base sa tala ng istasyon ng pulisya, bandang alas-7:30 ng gabi, wala nang buhay si Valdez at idineklarang dead on arrival matapos dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Ang labi ng biktima ay isasailalim sa autopsy upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, itinala ng pulisya ang insidente bilang kaso ng pagkalunod.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.