Bagong vaccination hub binuksan sa Bacoor

Upang maparami pa ang mga residenteng mabakunahan kontra COVID-19, binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang kanilang panibagong vaccination hub.
Karamihan sa mga nabakunahan ay mga senior citizen sa bagong vaccination hub ng lungsod. (Photo via City Government of Bacoor Facebook page)

Upang maparami pa ang mga residenteng mabakunahan kontra COVID-19, binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang kanilang panibagong vaccination hub.

Binuksan ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang panibagong vaccination center sa Niog Elementary School sa naturang lungsod.

Base sa Facebook post ng City Government of Bacoor, layon nito na mas marami pa ang mabakunahan na mga residente ng Bacoor kung sakaling may mga darating pang bakuna sa bansa.

Mayroon na umanong 328 Bacooreño ang nabakunahan noong Mayo 1 sa naturang vaccination hub kung saan karamihan sa mga ito ay mga senior citizen at 329 katao naman ang nabakunahan sa Alima Vaccination Center.

Samantala, nasa 400 katao naman ang nakibahagi sa pagbabakuna sa Bacoor Coliseum Vaccination Hub habang 294 ang nabakunahan sa unang dose ng vaccine at pito naman sa ikalawang dose sa Alima Vaccination Center noong Abril 30. Base sa pinakahuling datos na inilabas ng naturang lungsod noong Abril 29, nasa 1,238 na kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, 6,333 kabuuang bilang ng mga naka-recover, at 272 kabuuang bilang ng mga namatay sa naturang sakit.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Voter’s registration muling bubuksan ng COMELEC sa Agosto 1-10

Muling bubuksan ng COMELEC ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10, kasama ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, pagwawasto, at updating ng records ng iba't ibang sektor. Magbubukas ang mga tanggapan mula 8 AM hanggang 5 PM, Lunes hanggang Linggo, at isasagawa rin ang Register Anywhere Program sa NCR, Region III, at Region IV-A. Inaasahan ng COMELEC na mahigit isang milyong bagong botante ang magpaparehistro.