Binatilyo sa Kawit namatay dahil umano sa ‘komplikasyon sa Dengvaxia’

Namatay ang isang 14-taong-gulang na lalaki dahil sa mga komplikasyon na maiuugnay diumano sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, ayon sa Public Attorney’s Office (PAO).

KAWIT, Cavite — Namatay ang isang 14-taong-gulang na lalaki dahil sa mga komplikasyon na maiuugnay diumano sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine, ayon sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sa panayam sa The Manila Times, sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na namatay si Dela Cruz noong Mayo 24. 

Ayon kay Acosta, ika-164 na biktima na ng pagkamatay sa naturang bakunang kontra-dengue si Dick John Dela Cruz, isang mag-aaral mula sa Binakayan Elementary School. 

Sinuri ng PAO Forensic ang labi ng bata noong Mayo 29, ayon na rin sa hiling na awtopsiya ng kanyang pamilya. Pulmonary at brain hemorrhage ang ikinamatay ng bata ayon sa pinuno ng PAO Forensics Division na si Dr. Erwin Erfe. 

Katulad ng ibang biktima ng Dengvaxia, nakitaan din si Dela Cruz ng paglaki ng maraming organs at pattern ng severe internal bleeding sa utak at baga. 

Inihain naman ng PAO noong nakaraang taon ang mga reklamong violation on nti-torture at criminal complaints law laban kina dating Department of Health undersecretary Janet Garin, incumbent Health Secretary Francisco Duque III at 37 iba pa sa harap ng Department of Justice na may kaugnayan sa 101 kaso ng bata na namatay dahil sa Dengvaxia.

Sinampahan din ng kaso ng PAO ang Philippine Children’s Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine, Food and Drug Administration maging ang Dengvaxia manufacturer Sanofi Pasteur Inc., vaccine distributor na Zuellig Pharma.

Humihingi naman ang mga kamag-anak ng biktima ng P196-milyon para sa “actual, compensatory, death, moral, and exemplary damages,” ayon sa naturang ulat ng The Manila Times. 

“It was just an initial batch of civil cases we filed against the accused and we are filing a hundred more soon.” pahayag pa ni Acosta. 

Photo courtesy via doj.gov.ph

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.
Read More

Ex-mayor sa Silang muling pinatawan ng parusa ng Ombudsman

Hinawakan ng Ombudsman na guilty sina dating Silang Mayor Kevin Anarna at ang kapatid niyang si Nathaniel Anarna Jr. sa kasong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Ito ay dahil hinirang ni Anarna ang kanyang kapatid bilang BAC chairman kahit kulang ito sa kwalipikasyon. Dahil diskuwalipikado na ang magkapatid, ang parusa ay gagawing multa na katumbas ng isang taong sahod.