4 na senior citizen nagtapos ng ALS sa Mendez-Nuñez

Hinangaan online ang apat na masisigasig na senior citizens sa bayan ng Mendez-Nuñez matapos makapagtapos sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd). 

Photo courtesy by Local Government Unit of Mendez-Nuñez

Kasama nila ang 77 pang mag-aaral sa munisipalidad. 

Isinagawa ang Seremonya ng Pag-angat at Araw ng Pagtatapos ng mga mag-aaral saGabaldon, Mendez Central School noong Abril 26. 

Naging guest speaker si Punong Bayan Atty. Fredderick A. Vida kung saan ipinaabotniya ang pagbati sa lahat ng 81 nagsipagtapos. 

Ipinahayag din ng alkalde ang paghanga sa mga nagsipagtapos dahil sa kanilangpagpupursigi sa pag-aaral sa kabila ng iba’t-ibang balakid na kanilang kinakaharap sabuhay.

Ang ALS ay isang programa kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga out-of-school youths and adults na maturuan ng basic education nang libre na katumbas ng pag-aaral sa normal na sistema sa paaralan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Dalawang arestado; P12-M halagang ipinagbabawal na vape nasamsam sa Cavite 

Inaresto ng CIDG ang dalawang indibidwal sa Barangay Molino 3 matapos makumpiska ang tinatayang P12 milyong halaga ng ipinagbabawal na vape products. Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang mga produkto ay may labag na flavors at naglalaman ng nakalalasong sangkap. Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa RA 11900, at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga ilegal na vape.