Milyun-milyong halaga ng pekeng produkto nakumpiska sa Bacoor

Nasabat ng awtoridad ang mga counterfeit products na aabot sa halos P590 milyon mula sa isang bodega sa Niog Road sa Bacoor City, Cavite.

Nasabat ng awtoridad ang mga counterfeit products na aabot sa halos P590 milyon mula sa isang bodega sa Niog Road sa Bacoor City, Cavite.

Ilan sa mga nakuha ay mga construction supplies, power tools, marine, telecommunication devices, at mga pagkain.

Nakita rin ang dalawang container ng tinatawag na infringing goods at iba pang kilalang produkto.

Inabisuhan naman ng Bureau of Customs ang may-ari ng warehouse at container na magpakita ng importation documents at permit sa mga nakuhang produkto.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa iba pang posibleng paglabag, tulad ng Customs Modernization and Tariff Act at ng Intellectual Property Code of the Philippines.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CVSU-Cavite City isinusulong ni Cong. Jolo Revilla na maging regular campus

Isinusulong ni Cavite Rep. Jolo Revilla ang House Bill No. 1328 na gawing regular campus ang CvSU-Cavite City. Iginiit niya na ang pagbabago ay magbibigay-daan para sa mas malaking pondo at mapabuti ang pasilidad at akademikong programa ng unibersidad para sa mahigit 3,000 mag-aaral. Binigyang-diin ni Revilla na ang de-kalidad na edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino.