Umento sa sahod sa Calabarzon, muling isinusulong

Hinimok ang Calabarzon Wage Board na muli itong magpatupad ng umento sa sahod sa harap ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng nga pangunahing bilihin at serbisyo.

Naghain ng isang resolusyon sa Kamara noong March 21 ang mga mambabatas sa Region 4-A para muling ipanawagan ang umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sa ilalim ng House Resolution No. 888, hinimok ng mga kongresista sa Calabarzon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na irebyu at irebisa ang naunang kautusan nito na nagtaas ng daily minimum wage ng mga manggagawa sa rehiyon sa P470.

Ito sa gitna umano ng mataas na inflation at unemployment rate sa Pilipinas at pagsadsad ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemiya.

Bagaman hindi tinukoy ng resolusyon kung magkano ang hinihingi nitong umento, matagal nang inuudyukan ang wage board na ipantay ang sahod sa Metro Manila at mga probinsya dahil halos pareho lamang umano ang presyo ng mga bilihin.

Disyembre ng nakaraang taon nang huling nagtakda ang wage board ng P47 hanggang P92 dagdag-sahod sa rehiyon.

[READ: Calabarzon workers to get salary hike — DOLE]

Thumbnail photo made via Canva

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.
Read More

Cavite retarding basins are 85 percent done — DPWH

The Imus and Bacoor retarding basins, the two reservoir projects in Barangay Buhay na Tubig and Barangay Anabu, respectively, are currently under construction and are now 85 percent complete, according to the Department of Public Works and Highways (DPWH).
Read More

Voter’s registration muling bubuksan ng COMELEC sa Agosto 1-10

Muling bubuksan ng COMELEC ang voter registration mula Agosto 1 hanggang 10, kasama ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, pagwawasto, at updating ng records ng iba't ibang sektor. Magbubukas ang mga tanggapan mula 8 AM hanggang 5 PM, Lunes hanggang Linggo, at isasagawa rin ang Register Anywhere Program sa NCR, Region III, at Region IV-A. Inaasahan ng COMELEC na mahigit isang milyong bagong botante ang magpaparehistro.