2 alkalde sa Cavite nanumpa bilang bagong miyembro ng partidong LAKAS

Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng partidong LAKAS sina Kawit Mayor Angelo Aguinaldo at Rosario Mayor Voltaire Ricafrente kasama ang kanilang buong konseho noong Mayo 29.

Nanumpa bilang mga bagong miyembro ng partidong LAKAS sina Kawit Mayor Angelo Aguinaldo at Rosario Mayor Voltaire Ricafrente kasama ang kanilang buong konseho noong Mayo 29. 

Photo courtesy by Mayor Lani Revilla Facebook Page.

Pinasinayaan ang naturang panunumpa ni Cong. Martin Romualde, na siyang National President ng kasapian, kasama sina Cong. Mikee Arroyo at Cong. Sharky Palma. 

Photo courtesy by Mayor Lani Revilla Facebook Page.

Kasama sa pagtitipon sina Bacoor City Mayor Lani Revilla maging ang kanyang asawang si Senator Ramon Revilla Jr., ang kasalukuyang National Chairperson ng LAKAS.

Kabilang din sa mga nanumpa ang panganay na anak ng mag-asawang Revilla na si Bryan Revilla. 

“Mula sa araw na ito ating pagtutulungan ang pagpapalakas at pagpapalawak ng ating kasapian sa lalawigan. Tangan ang prinsipyo at adhikain ng LAKAS, ating tutuparin ang ating tungkulin sa ating mga kababayan bilang mga lingkod bayan,” pahayag ng alcalde ng Bacoor City sa kanyang Facebook Post. 

Dagdag pa niya, napatunayan na umano sa kasaysayan na ang LAKAS ay partidong pinatatakbo ng matatag at nagkakaisang pamunuan. Hamon umano sa kanila na maisakatuparan ang mga plano at proyekto ng kanilang partido sa lalawigan ng Cavite

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

41% ng mga Pilipino, Pabor sa Impeachment ni VP Sara Duterte

Patuloy na lumalakas ang kontrobersya na bumabalot kay Vice President Sara Duterte matapos ipakita ng pinakahuling SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang pumapabor sa kanyang impeachment. Pangunahing dahilan ng suporta sa impeachment ang umano’y kuwestiyonableng paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), ayon sa 46% ng mga respondent.