1 Caviteño nanalo ng P147-M jackpot prize sa Super Lotto

Isang maswerteng mananaya mula sa Cavite ang nanalo ng mahigit P147 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Linggo, Oktubre 15.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mula sa Silang, Cavite ang nanalo ng P147,354,716.40 sa winning combination na 47-35-02-13-38-17.

Winning combination ng P147-M jackpot prize sa Super Lotto 6/49.

Makukuha ng mananaya ang kaniyang panalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City sa pamamagitan ng pagpapakita ng winning ticket at ng dalawang ID.

Ayon pa sa PCSO, ang mga premyong aabot sa lagpas sa P10,000 ay mayroong 20 porsyentong tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion law o TRAIN Law.

“All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the charity fund,” paaalala ng PCSO sa mga nanalo.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

3 Tsino na sangkot sa droga at human trafficking nahuli sa Cavite

Naaresto sa General Trias, Cavite ang tatlong Chinese nationals sa isang joint operation ng BI at PDEA. Nahulihan ang mga suspek ng shabu at drug paraphernalia, at napag-alaman din na sila ay mga overstaying aliens. Nahaharap sila sa iba't ibang kaso, kabilang ang paglabag sa immigration laws at illegal drugs. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.