Cavite City nagsagawa ng clean-up drive matapos lumitaw ang mga patay na isda

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Cavite City ng isang malawakang clean-up drive matapos ang biglaang paglipana ng mga patay na tilapia sa Canacao Bay, partikular sa Barangay 62-A, noong Lunes ng umaga, ika-13 ng Nobyembre.

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Cavite City ng isang malawakang clean-up drive matapos ang biglaang paglipana ng mga patay na tilapia sa Canacao Bay, partikular sa Barangay 62-A, noong Lunes ng umaga, ika-13 ng Nobyembre.

Ang pag-usbong ng libu-libong patay na isda ay nagdulot ng masangsang na amoy, na siya ring nagtulak sa maraming residente para magtulong-tulong sa pangongolekta ng mga patay na isda.

Agad na tumugon ang lokal na pamahalaan, katuwang ang Coast Guard at mga tauhan ng Bantay Dagat, upang harapin ang suliraning ito.

Dahil sa matindi at hindi inaasahang pangyayari, marami sa mga residente ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa masangsang na amoy na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan.

Kasalukuyang umuusad na ang imbestigasyon kung saan nagmula ang fish kill habang ang mga patay na isda na nakolekta ay gigilingin para gawing composite.

Thumbnail photo courtesy of Eugine Formalejo

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Romualdez naghain ng panukala para sa cash-based budget system

Ipinagpapatuloy ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtulak sa House Bill No. 11, o ang Budget Modernization Act. Layunin nitong magpatupad ng cash-based budgeting system sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Ang panukala ay magpapahintulot lamang ng pagpopondo sa mga proyektong matatapos sa loob ng isang fiscal year, upang masiguro ang mabilis na serbisyo, epektibong paggasta, at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang paggamit ng digital financial at monitoring systems.