Walang nasaktang mga Pinoy sa 7.2 lindol sa Taiwan – MECO

Sinabi ni Inihayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairperson Silvestre Bello nitong Miyerkules na walang naitalang nasawi o nasugatan na mga Pilipino sa lindol na may lakas na 7.2 magnitude sa Taiwan.

“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” saad ni MECO Chairperson Silvestre Bello III.

“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, nagpahayag din si Pangulong Bongbong Marcos na tutulungan ng gobyerno ang mga kababayang naapektuhan ng lindol.

Tinatayang may mahigit 60,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, ayon sa datos mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinigurado rin ng DMW na handa ang Taiwan Migrant Workers Offices na magkakaloob ng tulong sa mga apektadong overseas Filipino workers kung kinakailangan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite commemorates National Flag Day

To commemorate National Flag Day, the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) led a flag-raising ceremony at the Dambana ng Pambansang Watawat in Alapan II-B, Imus City, on Monday, May 28.
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.