Mga Revilla isinusulong ang pagpapatayo ng lighthouse sa Ayungin Shoal

Isinusulong ng mga Revilla sa Kamara ang isang panukalang batas ukol sa pagtatayo ng lighthouse sa Ayungin Shoal para sa seguridad ng bansa at ng mga Pilipino.

Ipinanukala nina Cavite Representatives Lani Mercado-Revilla, Ramon Jolo Revilla III, at Agimat party-list Rep. Bryan Revilla ang pagpapatayo ng lighthouse sa Ayungin Shoal.

Layunin ng House Bill 19226 ang pagpapalakas ng seguridad ng mga Pilipino sa kabila ng banta at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“It is imperative that we also enhance our presence in the Ayungin Shoal, and constructing a lighthouse there is a vital step forward,” saad ng mga Revilla sa explanatory note ng panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang lighthouse ay magiging paraan upang masubaybayan at mapangalagaan ang soberanya ng bansa at ang likas na yaman ng Pilipinas. Dagdag pa rito, makakatulong din umano ang lighthouse sa pag-iwas ng mga maritime accident.

Sumang-ayon naman ang mga Revilla sa pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na hindi sapat ang protestang diplomasya bilang tugon sa problemang nararanasan sa WPS.

Sa panukala, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang itatalaga sa plano, disenyo, at konstruksyon ng lighthouse sa Ayungin Shoal.

Samantala, ang Philippine Coast Guard (PCG) ang responsableng magpanatili ng lighthouse, kabilang ang mga regular na inspeksyon, pagkumpuni, at pagsiguro na ito ay nasa maayos na kondisyon sa lahat ng oras.

Ang gastusin para sa pagtatayo at maintainance ng lighthouse ay isasama sa taunang budget ng DPWH at PCG.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Mayor Aguinaldo, pinabulaanan ang Allegasyon ng Anomalya; Kawit, Nakapagtala ng Zero Disallowance mula COA

Pinabulaanan ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang mga alegasyon ng anomalya laban sa kanya, na aniya'y gawa-gawa lamang ng "Cavite News" upang siraan siya ngayong papalapit na ang eleksyon. Iginiit ng alkalde na patunay ang zero Notice of Disallowance mula sa COA na malinis at maayos ang kanyang pamamahala sa pondo ng bayan. Hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri sa mga ibinabalita at muling tiniyak ang kanyang dedikasyon sa tapat na paglilingkod.