Panibagong umento sa sahod ng mga mangggawa sa CALABARZON, aprubado na

Aprubado na ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON. Sa ilalim ng Wage Order IVA-21, magkakaroon ng ₱21-₱75 umento sa sahod na ipatutupad ngayong Setyembre 30, 2024 at Abril 1, 2025.

Aprubado na ang dagdag-sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON. Sa ilalim ng Wage Order IVA-21, magkakaroon ng ₱21-₱75 umento sa sahod na ipatutupad ngayong Setyembre 30, 2024 at Abril 1, 2025.

Philippine News Agency

Maglalaro na sa ₱450-₱560 ang minimum wage rate para sa non-agriculture sector. Ang sektor ng agrikultura ay makatatanggap ng ₱425-₱500, at ₱425 naman para sa Retail at Service sector.

“Both adjustments were reached through consensus and unanimously approved by the government, labor and employer representatives in both RTWPBS, and have likewise been unanimously affirmed by the National Wages and Productivity Commission,” pahayag ng Department of Labor and Employment.

Matatandaang nauna nang nagpatupad ang dagdag sahod sa National Capital Region noong Hulyo 17.

“Dahil po sa ating patuloy na pagkakaisa, nagagawa po nating posible ang mga hakbang nating ito na direktang mapakikinabangan ng ating mga kababayan. Patunay po ito ng ating malinaw na intensyon na ang hangad lamang ay maisulong ang mga karapatan ng mga manggagawang Caviteño at Pilipino para sa mas mataas na antas ng pamumuhay tungo sa isang Bagong Pilipinas,” saad naman ni 1st District Representative Jolo Revilla.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…