SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.

Sinimulan na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagsisiyasat sa Villar Land Holdings Corp., dating Golden MV Holdings, matapos umabot sa tinatayang isang trilyong piso ang halaga ng kompanya.

Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, isinasagawa ang fact-finding investigation upang matukoy kung nagkaroon ng insider trading, market manipulation, o iba pang iregularidad na maaaring nakaapekto sa merkado.

“These are technical issues. Fortunately, I’ve been teaching securities regulation course for a number of years. So, I know the refinements of the law. What I don’t want to happen is for the SEC to act hastily and, at the end of the day, commit a mistake,” ani Lim.

Kilala ang Villar Land bilang may-ari ng mga pangunahing lupain sa Cavite at ng Villar City, isang malawak na development na sumasaklaw sa bahagi ng Muntinlupa, Las Piñas, Cavite, at Laguna.

Samantala, tiniyak ng kumpanya na bukas ito sa pakikipagtulungan sa SEC at nakatuon sa transparency at mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na regulasyon.

Binigyang-diin ni Lim na ang imbestigasyon ay isinasagawa upang masusing masuri ang mga transaksyon ng kumpanya, matiyak na walang nalalabag na batas, at mapanatili ang tiwala ng publiko sa pamumuhunan.

Total
0
Shares
Related Posts