6-Anyos na Bata, Patay sa Aksidente sa Carmona; Magulang, Kritikal ang Kondisyon

Isang 6-anyos na bata ang nasawi matapos masagi at masagasaan ng isang truck sa Carmona City, Cavite. Kritikal naman ang kalagayan ng kanyang mga magulang. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng truck na responsable sa insidente.

Patay ang isang 6-anyos na batang babae habang kritikal ang kalagayan ng kanyang mga magulang matapos masagi at tuluyang masagasaan ng isang truck sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmona City. Ito ay batay sa ulat ng Cavite Press Corps nitong Agosto 17.

Bandang alas-9:25 ng gabi nang maganap ang insidente habang sakay ang pamilya sa isang motorsiklo. Bigla umanong kumabig ang isang truck patungo sa kanilang lane dahilan upang masagi ang motorsiklo at tuluyang sumemplang.

Nasa shoulder lane umano ang biktima habang kasabay nila ang isang SINOTUK HOWO na may plaka na GASS148 na minamaneho ng suspek na si alyas Ronie, 32-anyos, residente ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa kasamaang-palad, nasagasaan ang mag-anak kung saan agad nasawi ang bata. Isinugod naman sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan ang kalagayan ng mga magulang nito. Ang driver ng truck ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Miyembro ng NPA sumuko sa Maragondon

Nagbalik-loob sa pamahalaang ang isang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos nitong sumuko sa mga awtoridad sa Maragondon, Cavite.