Cong. Jolo Revilla, pinarangalan ng CvSU-Cavite City ng Honoris Causa sa 23rd Commencement exercises

Iginawad ng CvSU-Cavite City kay Rep. Jolo Revilla ang parangal na Honoris Causa. Inialay ni Revilla ang karangalan sa kanyang distrito at sa serbisyo publiko. Nagpaabot din siya ng pagbati sa Class of 2025 at binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon para sa kabataan.

Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Cavite 1st District Representative Jolo Revilla sa Cavite State University (CvSU) sa ibinigay na parangal at inialay ang karangalan sa kanyang distrito at sa patuloy na paglilingkod sa bayan. “Ang karangalan pong ito’y alay ko sa ating Distrito at serbisyo-publiko,” wika niya.

Bilang bahagi ng kanyang talumpati, nagpaabot din ng pagbati ang kongresista sa Class of 2025 ng CvSU–Cavite City Campus, na aniya’y patunay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng kabataang Caviteño. “Nawa’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon at huwaran, dala ang tatak ng edukasyon ng mga Caviteño,” dagdag pa niya.

Sa pagtatapos, binigyang-diin ni Revilla ang kahalagahan ng edukasyon bilang sandigan ng kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. “Mabuhay ang CvSU at Mabuhay ang Kabataang Pilipino!” panapos niyang pahayag.

Ang paggawad ng CvSU-Cavite City ng Honoris Causa kay Cong. Jolo Revilla ay hindi lamang pagkilala sa kanyang pamumuno, kundi isang paalala na ang tunay na paglilingkod ay nakaugat sa malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.