‘Botika on Wheels’ umikot sa Bacoor para mamigay ng gamot

Itinuloy ng Botika on Wheels team ang kanilang adbokasiya sa pagbibigay ng iba’t ibang pangunahing pangmedesina sa mga residente ng lungsod ng Bacoor.
Ipinakita ng Botika on Wheels team ang kanilang mga ipapamahaging mga gamot, vitamins, at insect repellent lotion.  Photo via PICAD Cavite’s Facebook post

BACOOR CITY­­­, Cavite – Nagbigay ng mga libreng gamot ang pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa mga residente ng lungsod ng Bacoor sa pamamagitan ng Botika on Wheels (BOW) program.

Layon niton ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya sa paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan.

Ayon sa Facebook post ng Provincial Information and Community Affairs Department (PICAD) Cavite, binigyan ng BOW team ng libreng gamot, vitamins at insect repellent lotion ang 1,417 na mga senior citizen at 700 na mga bata sa Barangay Alima, Sineguelasan, Banalo, Mabolo 1, Mabolo 2, Mabolo 3, at Dulong Bayan.

Sama-samang nag-thumbs up ang BOW team habang isinasagawa ang kanilang programa para sa mga Bacooreño. Photo via PICAD Cavite’s Facebook post

Samantala, matatandaang binisita rin ng BOW team ang Barangay Camposanto, Digman, Kaingin, Maliksi 1, Maliksi 2, Maliksi 3 at Poblacion noong Pebrero 26 at ang Barangay San Nicolas 3 noong Pebrero 19.

Nagbahay-bahay ang BOW team upang maihatid ang mga tulong pangkalusugan sa mga senior citizen. Photo via PICAD Cavite’s Facebook post

Mainit na sinalubong ang BOW team ni dating City Councilor at head ng Office of the Senior Citizens Affairs Atty. Venus de Castro kasama ang mga barangay health worker, barangay nutrition scholars, mga kapitan at kagawad ng mga barangay.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Kilatisin ang mga Kongresista sa kanilang mga nagawa sa iba’t-ibang distrito ng Cavite.

Apat na buwan bago ang Halalan 2025, mahalagang suriin ang mga nagawa ng mga kongresista mula sa iba't ibang distrito ng Cavite. Kasama rito ang mga batas na kanilang naipasa, mga proyektong pang-imprastruktura, at ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan na nakatulong sa pag-unlad ng kanilang mga nasasakupan.