BDRRMO nagpaalala sa mga motorista na sundin ang road safety rules

Dahil sa mga hindi inaasahang aksidente sa kalsada, nagpaalala ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office na sumunod ang mga driver sa mga gabay patungkol sa listas na pagmamaneho.

BACOOR CITY – Pinaalalahanan ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ang mga motorista na ugaliing sumunod sa road safety rules kaugnay ng kabi-kabilang aksidente sa kalsada.

Base sa isang Facebook post ng BDRRMO, inuusig nito ang mga motorista na laging ituon ang atensyon sa pagmamaneho at maging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari sa kalsada.

Kasabay ng special non-working holiday noong nakaraang linggo, nakapagtala ng limang magkakahiwalay na aksidente sa mga kalsada ng Cavite.

Ipinakita ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ang kanilang poster ukol sa pagpapaalala na sundin ang road safety rules.  Photo via Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office Facebook post

Ang isa sa ang mga naitalang asksidente ay naganap sa harap ng Santuario Divino, Addas Molino 2, Tirona Hi-way, at Molino Road.

Nagsagawa ng mga checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Photo via Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office Facebook post

Maliban sa paalala sa mga motorista, nagsagawa rin ng checkpoint ang mga awtoridad at inantabayanan ng bawat emergency response team sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ang galaw ng trapiko upang agarang maaksyunan kung sakaling magkaroon man ng aksidente ssa kalsada

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.
Read More

Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City

Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.