Cavite Gov. Jonvic Remulla, itinalaga bilang bagong DILG Secretary

Ngayong umaga, nanumpa si Cavite Governor Juanito “Jonvic” Remulla bilang bagong Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Photo Credit: PTV Network / Facebook

 Ngayong umaga, nanumpa si Cavite Governor Juanito “Jonvic” Remulla bilang bagong Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Remulla ay itinalaga upang palitan si outgoing DILG Secretary Benhur Abalos, na maghahanda para sa pagsabak sa senatorial race sa 2025.

“Ito po ay aking buong pusong tinanggap upang makatulong hindi lamang sa ating lalawigan kundi para na rin sa buong Pilipinas. Ang aking adhikain mula noon pa man ay ang ipagtibay ang kakayahan ng lokal na pamahalaan at kapulisan upang maging pantay ang karapatan ng lahat, tungo sa mas mabuting kinabukasan,” saad ni Remulla sa kanyang Facebook post.

Samantala, nanumpa rin si Athena Tolentino bilang bagong Gobernador ng Cavite, ang kauna-unahang babaeng gobernador sa kasaysayan ng probinsya.

“Matapos ang 29 na taon sa lokal na pamahalaan ng Cavite, 11 at kalahati rito ay bilang gobernador, naniniwala akong iiwan ko ang lalawigan nang mas maayos kaysa noong una akong nagsimula. Mayroon din tayong pinakamataas na home ownership rate, na may mahigit 1,000,000 tahanan naitayo. Mas maliwanag na rin ang ating mga kalsada, mas responsive ang mga lokal na pamahalaan, at ang Cavite PNP ay may pinakamahusay na kagamitan—ito pa nga ang ginawaran ng award bilang pinakamahusay na PNP command sa bansa,” dagdag pa ni Remulla.

Matatandaang noong 2022 Presidential Election, ang Cavite ay nagbigay ng mahigit 1 milyong boto kay Pangulong Marcos.

Total
0
Shares
Related Posts