Dasmariñas LGU sa mga magpapabakuna: ‘Bawal ang walk-in’

Pinaalalahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dasmariñas ang mga residente nito na bawal ang “walk-in” sa mga vaccination site upang maiwasan ang pagkukumpulan at hawaan ng COVID-19.

Pinaalalahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dasmariñas ang mga residente nito na bawal ang “walk-in” sa mga vaccination site upang maiwasan ang pagkukumpulan at hawaan ng COVID-19.

Photo Courtesy of Dasmariñas City Mayor Jenny Austria-Barzaga Facebook page.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga na magparehistro muna online o kung hirap umano sa internet connection ay maaaring magpalista sa mga Barangay Health Center, o sa Home Owners Association (HOA) ng bawat subdivision.

“Ang lahat ng nakapagparehistro na sa alinmang pamamaraan ay makakatanggap ng SMS o tawag mula sa nakakasakop na Health Center sa inyong Barangay…Hindi po natin maaasahan na perpekto ang ating sistema kaya ang ating Pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang mapadali ang proseso sa pagsugpo sa kasalukuyang pandemya,” ani Barzaga.

Aniya, ito ay para sa mga nais magpabakuna na nasa prayoridad na grupo tulad ng Category A1, A2, at A3.

“Kailangan maunawaan ng lahat na hindi pa kumpleto ang vaccines na binibigay sa atin ng DOH para sa categories A1, A2 at A3 na siyang prioridad natin sa pagbabakuna, kung kaya naglagay tayo ng ganitong sistema upang maisaayos ang pagbabakuna na atin ng naumpisahan. Kung ano lamang ang ibinigay ay iyon lamang ang naiischedule natin sa kasalukuyan, ” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa niya, “Ginagawa po nating lahat, katulong ang mga doktor na namumuno sa ating apat na CHO, sa pagpaplano para maging maayos ang maging sistema ng pagbabakuna sa ating siyudad.”

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.