Filipina Iconic Heroes exhibit tampok sa Kawit

Bubuksan sa publiko ang “Iconic Heroes of the Revolution Exhibit” sa bayan ng Kawit bilang pagbibigay-pugay sa mga kababaihang bayani ng bayan.

Ito’y bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan ng Kawit sa mga kababaihang natatanging bayani bilang pakikiisa sa darating na Buwan ng Kababaihan sa Marso.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanganakan ni Hen. Baldomero Aguinaldo.

Ayon kay Mayor Angelo G. Aguinaldo, tampok sa naturang exhibit ang mga kababaihang bayani mula sa bayan ng Kawit tulad nina Gregoria Montoya na nakidigma sa “Labanan sa Binakayan” at Hilaria Del Rosario na naging kabiyak ni Hen. Emilio Aguinaldo na nagsilbi at nangalaga sa mga sugatan at may sakit.

“Kaya #TaraSaKawit na! Bisitahin ang dambana ni Hen. Baldomero at kilalanin ang bayaning Filipina,” dagdag ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City

Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.