Groundbreaking ng CvSU-Bacoor City Campus, pinasinayahan ng DPWH

Pinasinayahan ng DPWH ang 12-storey building ng Cavite State University-Bacoor City Campus sa Barangay Molino 3 noong Hulyo 16.

Pinasinayahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang groundbreaking ng itatayong 12-storey building ng Cavite State University-Bacoor City Campus sa Barangay Molino 3 noong Hulyo 16.

“The new building project is set to play a pivotal role in advancing education in Bacoor City, providing state-of-the-art facilities for the students and staff of Cavite State University,” ayon sa DPWH.

Kasama sa naturang groundbreaking ang mga opsiyal at staff lokal na pamahalaan ng Bacoor, management ng Cavite State University-Bacoor Campus, at DOST representative.

Ayon pa sa DPWH, mayroong kabuuang 40,000 square meters ang floor area ng nasabing gusali.

“It aims to accommodate the growing student population and enhance the university’s educational facilities with modern amenities, including a basement, recreational areas, and a school terminal, designed to support both academic and extracurricular activities,” anila.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.