Higit P6 milyong halaga ng umano’y shabu nasamsam sa Cavite

Nasa P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu o isang kilo ng methamphetamine hydrochloride ang nasamsam ng awtoridad sa lungsod ng General Trias, Cavite noong Miyerkules, Marso 26.

Nasa P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu o isang kilo ng methamphetamine hydrochloride ang nasamsam ng awtoridad sa lungsod ng General Trias, Cavite noong Miyerkules, Marso 26.

Ayon sa report ng Philstar, Dinampot sina Eman Boncarawan, 29 taong gulang, Norhanah Dirampatin, 28, at Nur-Laila Capatagan, 20, ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa Barangay Pasong Camachile I ng 10:30 nang gabi.

Bukod sa shabu, narekober din ang isang cellphone at mga ID ng mga suspek na may kasong drug trafficking.

Sa kasalukuyan, pinaghahahanap pa rin umano ang isa pang suspek na si Noralyn Macalangan ayon kay PDEG director Brig. Gen. Randy Peralta sa panayam kasama ang Philstar.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek, na haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Thumbnail photo from Daily Tribune

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite Bus Rapid Transit, target simulan ang operasyon sa Setyembre

Nakatakdang simulan ng Megawide Construction Corp. ang partial operations ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) sa Setyembre, bago ang holiday season. Ayon kay Megawide CEO Edgar Saavedra, ang P1.87-bilyong proyekto ay naglalayong bawasan ang travel time ng mga pasahero ng halos kalahati sa pamamagitan ng dedicated bus lanes at scheduled trips.
Read More

Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City

Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.