Imus LGU nagsimula nang maghanda para sa A4 category vaccination

Nagsimula nang maghanda ang Local Government Unit (LGU) ng Imus para sa A4 COVID-19 category vaccination sa kanilang lungsod.

Nagsimula nang maghanda ang Local Government Unit (LGU) ng Imus para sa A4 COVID-19 category vaccination sa kanilang lungsod. 

Ayon sa Facebook post ni Mayor Emannuel Maliksi, kabilang umano rito ang mga government employees, informal sector, self-employed workers, maging ang private sector workers na nagtatrabaho sa labas ng tahanan. 

Photo courtesy by Emannuel Maliksi Facebook Page

Para umano sa mga nagtatrabaho sa pribado o pampublikong ahensya o organisasyon, inengganyo niya na sila’y makipag-ugnayan sa kanikanilang opisina para sa master listing. 

Sila na umano ang bahalang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Imus para sa vaccination program rollout.

Para naman sa mga kabilang sa informal sector at mga self-employed, maaari na silang magrehistro sa bit.ly/ImusBakunaA4-IS!

Dagdag pa ng alkalde, kasama rito maging ang mga nagtitinda sa palengke, may sari-sari store, kasambahay, delivery rider at iba pa. 

Maghanda rin umano ng patunay o dokumento na kabilang sila sa priority group A4 tulad ng company ID, contract o permit, certificate of eligibility (employment, deployment, assignment). 

Matatandaang noong Hunyo 7 sa pagsisimula ng A4 category vaccination, nilinaw ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer at Testing czar Vince Dizon ang mga kabilang sa nasabing kategorya. 

“Ang A4 po ay simple lang, lahat ng ating mga kababayan na kailangang lumabas ng kanilang mga bahay para magtrabaho ay babakunahan.”

Dagdag pa ni Dizon, itinuturing niya itong mahalagang araw para sa pamilya ng mga manggagawa at pagsisimula ng tuloy-tuloy pagbabaklas ng sakit na COVID-19. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

One month income tax holiday isinusulong ni Sen. Tulfo sa gitna ng isyu sa flood control projects

Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o ang “One-Month Tax Holiday of 2025,” na magbibigay ng isang buwang income tax exemption sa mga manggagawa, bilang tugon sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Layunin nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno. Hindi kasama sa exemption ang mandatoryong kontribusyon, at ipinatupad ang non-diminution clause para matiyak na hindi mababawasan ang sahod ng mga empleyado.