Itim na usok, lumabas sa Sistine chapel: senyales na wala pang bagong Santo Papa

Itim na usok ang lumabas sa Sistine Chapel, senyales na walang napiling bagong Santo Papa sa unang balota ng conclave. Hindi nakakuha ng kinakailangang 89 boto ang sinuman sa 133 cardinal electors. Magbabalik ang mga kardinal ngayong Huwebes upang ipagpatuloy ang pagboto para sa susunod na lider ng Simbahang Katolika.

Umuusok ng itim ang tsimenea ng Sistine Chapel sa Vatican nitong Miyerkules ng alas-9 ng gabi (oras sa Roma), hudyat na walang napiling bagong Santo Papa sa unang balota ng conclave.

Hindi nakakuha ng kinakailangang 89 boto ang sinuman sa 133 cardinal electors ng College of Cardinals. Dahil dito, pansamantalang magpapahinga ang mga kardinal sa kanilang tinutuluyang mga tirahan sa loob ng Vatican.

Sa nasabing botohan upang makahalal ng bagong Santo Papa, isusulat ng 133 cardinal sa buong mundo ang pangalan ng kani-kanilang iboboto sa isang papel at saka nila ito isisilid sa isang lalagyan. 

Inaasahan silang magbabalik sa Sistine Chapel ngayong Huwebes ng umaga upang ipagpatuloy ang pagboto para sa susunod na lider ng Simbahang Katolika.

Batay sa kasaysayan ang pinakamahabang conclave ay nangyari noong 1268 hanggang 1271 taon bago maihalal si Pope Gregory X habang pinakamaiksi naman noong 1503 na umabot lamang ng ilang oras at naluklok si Pople Julius II.

Total
0
Shares
Related Posts