Lalaki, arestado matapos habulin at barilin ang kanyang live-in partner sa Cavite City

Naaresto ang isang lalaki sa Cavite City matapos paputukan ang kanyang live-in partner kasunod ng pagtatalo. Ayon sa CCTV at pulisya, hindi tinamaan ang biktima. Nahaharap ang suspek sa kasong attempted murder at paglabag sa gun ban.

Naaresto ang isang lalaki matapos habulin at paputukan ng baril ang kanyang live-in partner sa Barangay 29-A Caridad, Cavite City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang tumatakbo ang babae sa eskinita habang hinahabol ng suspek. Makalipas ang ilang saglit, tinutok ng lalaki ang baril sa direksyon ng babae at pinaputukan. Ayon sa Cavite City Police, hindi tinamaan ang biktima.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nag-ugat ang insidente sa pagtatalo ng dalawa matapos pagalitan ng babae ang suspek dahil sa malakas na pagpapatugtog habang ito’y umiinom. Tulog noon ang kanilang walong buwang gulang na anak.

Ayon sa suspek, hindi niya raw intensyong saktan ang babae at sinadya raw niyang ilihis ang putok. Hindi na nagbigay ng anumang pahayag ang suspek kaugnay sa insidente. Sa kabila nito, siya ay nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso, kabilang ang attempted murder at paglabag sa umiiral na gun ban.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba't ibang aspeto ng serbisyo.