Lalaking nang hostage ng sariling anak, arestado sa Cavite

Matagumpay na na-rescue ng pulisya ang isang 3-taong-gulang na bata matapos itong i-hostage ng sariling ama sa Silang, Cavite.

Matagumpay na na-rescue ng pulisya ang isang 3-taong-gulang na bata matapos itong i-hostage ng sariling ama sa Silang, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek na si Marianito Deayon, 53, at ang misis nito na si Lorie Deayon, 44, bandang alas-11:20 ng umaga na nauwi sa pananakit ng sarili nitong asawa’t anak.

Nang makatakas umano si Lorie ay agad itong nagsumbong sa mga awtoridad. Agad namang rumesponde ang pulisya at nag-deploy ng SWAT team.

Nang makarating ang pulisya sa bahay ng suspek, dito na umano hinostage ni Deayon ang bata gamit ang kutsilyo.

Ligtas namang nailabas ang biktima habang nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Nasa pangangalaga naman ngayon ng Violence Against Women and Children (VAWC) desk ang mag-ina.

Photo courtesy by Cavite Provincial Police Office FB Page

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.