Mag-ina patay, 3 nakaligtas matapos gumuho ang bahay sa kasagsagan ng bagyo

Magkayakap at wala nang buhay nang matagpuan ang mag-ina sa bayan ng Imus matapos gumuho ang bahay nila sa tabing-ilog sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Paeng.

Magkayakap at wala nang buhay nang matagpuan ang mag-ina sa bayan ng Imus matapos gumuho ang bahay nila sa tabing-ilog sa kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Paeng.

Kinilala ang mga biktima na sina Catherine Reyes, 35, at Carl Yukie Caayupan, 10, mula sa Poblacion 4A, Imus City.

Samantala, nakaligtas naman ang tatlo nilang kasama sa bahay na sina Josephine Reyes, 55, Shakira Shanti, 12, at Carl Yuri Caayupan, 12, sa ragasa ng bagyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tuluyang bumigay ang pundasyon ng bahay sa tabing-ilog dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng malakas na ulan.

Nakatanggap umano ang Imus Police ng tawag mula sa isang netizen na may nawawalang dalawang indibidwal dahil dito.

Agad namang pinuntahan ng pulisya ang lugar at dito na narekober ang katawan ng mga biktima.

Part 1 : Mag ina magkayakap Wala ng buhay😭😭😭 Gumuho ang lupang tinitirikan ng bahay sa tabing ilog, nadaganan ng mga bato, sanhi ng pagkalunod. Actual video ng pagsagip. Condolences po sa pamilya Sana po matulungan ng mga kinauukulan 😭😭 📌Poblacion 4-A Imus Cavite Part 2 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=175656708384749&id=100078212635177&eav=AfZ_Rb-pbjVa1mokAF- Part 3 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=175813665035720&id=100078212635177&sfnsn=mo

Posted by Generic Mindset on Sunday, October 30, 2022
Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite Bus Rapid Transit, target simulan ang operasyon sa Setyembre

Nakatakdang simulan ng Megawide Construction Corp. ang partial operations ng Cavite Bus Rapid Transit (BRT) sa Setyembre, bago ang holiday season. Ayon kay Megawide CEO Edgar Saavedra, ang P1.87-bilyong proyekto ay naglalayong bawasan ang travel time ng mga pasahero ng halos kalahati sa pamamagitan ng dedicated bus lanes at scheduled trips.