Marcos Jr. positibo sa COVID 19 – Palasyo

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles noong Biyernes.

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles noong Biyernes.

“(Marcos) has a slight fever, but he is otherwise okay,” wika ni Angeles.

Nagnegatibo naman sina Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos, Executive Secretary Victor Rodriguez, Presidential Management Staff Chief Zenaida Angping na pawang mga close contacts ng Pangulo noong mga nagdaang araw. 

Samantala, nasa out-of-town trip naman ang maybahay ng Pangulo kasama ang dalawa pa nitong anak.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa press briefing na isasailalim sa 7-day isolation ang Pangulo.

“If his symptoms have been resolved already, he may be able to get back to work and have his face-to-face activities,” dagdag pa ni Vergeire.

Dahil sa karamdaman, hindi makakapunta si Marcos sa ika-246 anibersaryo ng US Independence sa US Embassy Manila.

Magbibigay naman ng mensahe si Marcos via online sa League of Governors and Mayors’ meeting sa darating na Biyernes kung saan pag-uusapan ang COVID-19 vaccination campaign at paghahanda para sa pagbubukas ng face-to-face classes ngayong taon.

Nagpaabot naman ng panalangin si Vice President Sara Duterte para sa Pangulo.

“I offer my earnest prayers for the fast recovery of President Ferdinand Marcos Jr. May God continue to bless him with good health as he leads the country.” wika ng Bise Presidente.

Thumbnail photo via Bongbong Marcos Facebook Page

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Pagkilala sa mga alkalde at kanilang nagawa sa Cavite

Habang papalapit ang Halalan 2025, mahalagang muling suriin ang mga nagawa ng mga lider ng iba't ibang lungsod at munisipalidad sa Cavite. Kabilang dito ang kanilang mga kontribusyon sa imprastraktura, pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, at pagsuporta sa sektor ng edukasyon—mga proyekto at programang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa kaunlaran ng kanilang mga komunidad.