Dahil sa pagkalat ng oil spill, idineklara ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang State of Calamity at “No-Catch Zone” sa mga lamang dagat sa mga baybaying dagat ng lalawigan.
Ayon kay Remula, apektado ang mga baybayin ng lungsod ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, at Naic.
“As of today, the province is declaring a STATE OF CALAMITY in these areas. The province is also declaring a NO-CATCH ZONE for all shellfish (tahong, alimasag, alimango, halaan) in our vicinity,” aniya.
Dagdag pa ni Remulla, naghahanda ang pamahalaan ng Cavite upang mabigyan ng relief goods ang 25,000 mangingisda na apektado ng nasabing oil spill.