Mga programang bibigyang prayoridad ibinida ni Pacquiao sa proclamation rally

Inilunsad ni presidential aspirant Manny Pacquiao ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo kasama ang mga kapartido nito sa isinagawa nilang proclamation rally sa General Santos City, kahapon, Pebrero 8.

Ibinida ni Pacquiao ang mga programang bibigyang prayoridad patungkol sa pabahay, edukasyon, tulong at agrikultura, hanapbuhay, kalusugan, at transportasyon sa kanyang platapormang “22-rounds agenda” sakaling manalo bilang pangulo.

Ani Pacquiao, “By the grace of God, because ang Panginoon lamang ang siyang naggagabay sa atin, ang siyang nagbibigay sa atin ng success. Pero pagdating ng panahon sisiguraduhin ko sa inyo na ang bawat isa sa inyo, na ang bawat Pilipino panalo sa laban ni Manny Pacquiao.”

“Sisiguraduhin ko sa inyo na ang bawat Pilipino may trabaho at hinahanap ng trabaho. At sisiguraduhin ko sa inyo na walang mahirap na innagrabyado at inaapi. Sisiguraduhin ko sa inyo na ang batas ng Pilipinas pantay-pantay, walang mahirap, walang mayaman,” dagdag pa niya.

Humarap si presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao sa mga tagasuporta nito sa isinagawa nilang proclamation rally sa General Santos City. Screengrab from Manny Pacquiao’s Facebook livestream.

Nanindigan rin ang naturang presidential aspirant na aarestuhin at ipakukulong ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno.

“Bakit naghihirap ang bansang Pilipinas? Bakit naghihirap ang bawat Pilipino? Dahil po ‘yan sa korapsyon. Dahil sa mga ganid na mga politiko. Kaya kung gusto niyo ng pagbabago, Luzon, Visayas, and Mindanao, mga kababayan ko ‘yung mga nahihirapan sa buhay, mga naghihirap walang trabaho, walang hustisya, samahan ninyo ako dahil ang laban ni Manny Pacquiao, hindi laban lang ng sarili ko, ng gobyerno, kundi laban ng bawat Pilipino,” aniya.

Nakilahok at nagpahayag naman ng suporta ang kanyang running mate na si Rep. Lito Atienza sa pamamagitan ng isang virtual conference.

Total
15
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts