‘Most wanted person’ sa Cavite tiklo sa Maragondon

Naaresto ng Maragondon police sa isang operasyon ang ‘top 1 most wanted person’ sa Cavite dahil sa kasong statutory rape.

Nadakip ng mga awtoridad ang tinaguriang “top 1 most wanted person” sa Cavite sa ikinasang operasyon sa Maragondon noong Pebrero 3.

Kinilala ang suspek bilang si Diones Arcayos, 28, residente ng Brgy. Garita-A sa naturang bayan na nahatulang guilty sa kasong statutory rape.

Arestado ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ralph Arrellano ng Regional Trial Court Branch 132.

Nakaiipit na ang suspek sa custodial detention facility ng Maragondon police station.

Thumbnail photo made via Canva

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang MERALCO, kumite ng P25.5B sa unang kalahati ng 2025

Tumaas ng 10% ang kita ng Meralco sa unang kalahati ng 2025, na umabot sa P25.5 bilyon. Dahil ito sa matatag na kita mula sa power generation at retail electricity. Kumpiyansa si Chairman Manuel Pangilinan na aabot sa P50 bilyon ang core net income sa pagtatapos ng taon. Patuloy din ang pagpapalawak ng kumpanya, kabilang ang pagtatayo ng Atimonan Energy Power Plant at battery energy storage systems sa Cebu.