Nasa P5-M halaga ng alahas ninakaw ng kasambahay sa Bacoor

Kalaboso ang isang kasambahay sa Bacoor, Cavite matapos tangayin diumano ang aabot sa P5 milyon halaga ng alahas na pagmamay-ari ng kaniyang amo.

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng mga alahas ang di umano’y ninakaw ng isang kasambahay mula sa kaniyang amo sa Brgy. Panapaan 8 sa Bacoor, Cavite noong Pebrero 10.

Batay sa ulat ng pulisya, laking gulat na lamang ng among si alias “Julie” na nawawala ang kaniyang singsing at iba’t iba pang uri ng kaniyang mga alahas.

Natuklasan sa tulong ng CCTV na lumusot sa bintana ng pinagtatrabahuhang bahay ang isang kasambahay at saka tinangay ang sari-saring alahas ng kaniyang amo.

Matapos humingi ng saklolo sa pulisya si “Julie” ay agad na naglunsad ng follow-up operation na humantong sa pagkaka-aresto sa suspek sa Brgy. Niog 3 sa parehong lungsod.

***Please insert FB post here:

Kinilala ang suspek bilang si James Suresca, 28, residente ng Brgy. Pleasant Hills sa Mandaluyong City.

Nabawi mula sa kaniya ang P350,000 halaga ng mga alahas ngunit hindi malinaw kung narekober din ang iba pang mga ninakaw na alahas.

Nakapiit na sa Bacoor police station ang suspek na nahahaharap sa kasong qualified theft.

Thumbnail photo courtesy of Cavite Provincial Police Office

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Online Renewal ng Driver’s license posible na

Inilunsad ng LTO ang Online Driver’s License Renewal System sa eGovPH app upang mapabilis at mapagaan ang pag-renew ng lisensya. Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, maiiwasan na ang personal na pagpunta sa LTO, at ang e-license na lalabas sa app ay may kaparehong bisa ng pisikal na card. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas episyenteng serbisyo ng gobyerno.
Read More

Mayor Denver Chua, umalma sa vote buying issue

Nilinaw ni Cavite City Mayor Denver Chua na wala siyang kinalaman sa alegasyon ng vote buying matapos makatanggap ng show cause order mula sa COMELEC. Iginiit niyang walang basehan ang reklamo at bahagi lamang ito ng maruming pulitika. Binigyang-diin niya ang kanyang dedikasyon sa pagsunod sa batas at pagpapanatili ng integridad ng halalan.