P48.8M pondo para sa konstruksyon ng drug rehab center, aprubado na

Tinatayang nasa P48.8 milyong badyet ang ilalaan para sa konstruksyon Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Trece Martires City, Cavite.

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P48.8 milyong pondo para sa kompletong konstruksyon ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) ng Department of Health (DOH) sa Trece Martires City, Cavite.

Usapang Budget/Facebook

“Among the priorities of the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is to not just fully enforce the law when it comes to illegal drug use and abuse but also on rehabilitation of victims or drug users,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon sa DBM, manggagaling ang pondo sa Japan International Cooperation Agency – Program for Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users (JICA – CARE) at Automatic Appropriations sa ilalim ng General Appropriations Act.

“The government will see to it that the upkeep of the country’s existing facilities on drug abuse treatment and rehabilitation will continue by allotting necessary budget for that purpose,” ayon pa sa kalihim.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Tatay Cardong Trumpo ng Cavite, Grand winner sa PGT Season 7

Si Tatay Cardong Trumpo, isang 55-anyos na construction worker mula Dasmariñas, Cavite, ang itinanghal na Grand Winner ng Pilipinas Got Talent Season 7. Nakamit niya ang ₱2 milyon matapos makakuha ng 99.5% ng boto para sa kanyang kakaibang trumpo tricks. Naantig ang publiko sa kanyang kwento at talento, na umabot sa mahigit 22 milyong views ang kanyang audition video.