Panukalang batas para sa mandatoryong 14th month pay sa private sector, isinumete sa kamara

Isinumite ni TUCP party-list Rep. Raymond Mendoza ang House Bill 3808 na naglalayong gawing mandatoryo ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor. Batay sa panukala, ang 13th month pay ay ipagkakaloob tuwing Hunyo 24 habang ang 14th month pay ay matatanggap tuwing Disyembre 24.

Hindi saklaw ng nasabing panukala ang mga kumpanyang nalulugi, non-profit organizations na bumaba ang kita ng higit 40% sa loob ng dalawang magkasunod na taon, at mga trabahong binabayaran batay sa komisyon, boundary, o task basis.

Ayon kay Mendoza, ang karagdagang benepisyo ay magbibigay-sigla sa mga manggagawa at inaasahang magdudulot ng mas mataas na produktibidad na makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

Samantala, naghain din ng kaparehong panukala sa Senado si Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III. Iginiit niya na makatutulong ang 14th month pay sa mga manggagawa, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Dagdag pa ni Sotto, mahalagang maipasa ang naturang panukala upang masiguro ang karagdagang tulong-pinansyal ng mga empleyado bago sumapit ang kapaskuhan.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.