Pastor Apollo Quiboloy nasa kustodiya na ng mga awtoridad

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa kustodiya na ng mga pulisya ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Inihayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa kustodiya na ng mga pulisya ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy Linggo ng gabi.

Matatandaang dalawang linggo nang tinutugis ng mga kapulisan si Quiboloy sa KOJC compound upang isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court. Nahaharap siya sa kasong human trafficking na walang piyansa, sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act No. 9208.

“We commend our law enforcement agencies for their tireless efforts and dedication, despite Quiboloy’s tactics. Magpapatuloy ang imbestigasyon ng Senado para matuldukan ang sistematikong pang-aabuso sa mga pinakabulnerable sa lipunan. Bilang na ang araw ng mga tulad niyang naghahari-harian, nambabastos sa batas, at nang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at kapwa nating Pilipino,” ayon kay Senadora Risa Hontiveros sa pagsuko ng pastor.

Tinatayang umabot sa 2,000 pulis ang ipinakalat sa lugar upang matunton si Quiboloy. Ayon kay Secretary Benjamin Abalos, ang pagdakip kay Quiboloy ay indikasyon na tama ang ginawang proseso ng paghahanap ng mga pulis sa pamumuno ni PRO 11 Director Chief PBGen. Nicolas Torre. Mula sa Davao City, isinakay si Quiboloy sa isang C-130 na eroplano at dinala sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang nagmamaneho

Sinuspinde ng LTO ang lisensya ng isang bus driver ng Kersteen Joyce Transport dahil sa paglalaro ng online gambling habang nagmamaneho, na ikinapahamak ng mga pasahero. Pinatawan siya ng 90-araw na suspensiyon at nahaharap sa kasong reckless at distracted driving. Inatasan din ang bus company na magpaliwanag, habang isinusulong ang mga panukalang batas laban sa online gambling.